Now Playing Tracks

braveenough:

Julie Anne San Jose’s debut album has now reached 8X Platinum

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne San Jose pagkatapos niyang tumanggap ng 8X Platinum award sa Sunday All Stars (SAS), kahapon, December 8.

Ito ay para sa kanyang self-titled debut album, na ini-release noon pang 2012 ngunit hanggang ngayon ay mabenta pa rin.

Nakapaloob sa album na ito ang hit songs niyang “I’ll Be There,” “Enough,” “Bakit Ngayon,” at “For Everything.”

“Sobrang nakaka-overwhelm talaga!” bulalas ni Julie Anne tungkol sa nakamit ng kanyang album.

“Actually kanina, after nung song number ko, naiyak ako.

“Kasi kumbaga, parang… this is more than what I was expecting.

“Parang ang sarap sa pakiramdam na nagkaroon ka ng record na ganito.

“And kumbaga, hindi ko akalain na aabot sa ganito, so sobrang saya po talaga.

“This is my very first album kaya hindi ko talaga ini-expect.

“Hindi ko ini-expect na aabot nga ako sa ganito, kaya talagang thankful ako kay Lord.

“Of course, I dedicate this award sa pamilya ko, kasi sila talaga yung naging inspirasyon ko sa music—and yun, this is for them.

“At saka sa mga supporters ko, thank you talaga.”

SECOND ALBUM. Pagkatapos ng kanyang matagumpay na first album, balak ni Julie Anne na sundan na ito kaagad.

Sabi niya, “Magkakaroon po ako ng second album and, actually, ongoing na po yung recording.

“February yung target na release nito, siguro sa Valentine’s Day.

“Yung kinanta ko kanina, yung ‘Deeper,’ ang carrier single.

"It’s actually out na sa OPM To Go.

“And I think sa iTunes, ire-release na rin siya, so available na ito sa downloads.

“Itong ‘Deeper’ ay isa sa tatlong compositions ko—puro love songs po.”

Mas malaking pressure ba ang kakaharapin niya ngayon sa kanyang second album since naka-8X Platinum nga siya sa una?

“Opo, nape-pressure talaga ako!”  sabay tawa ng 19-year-old Kapuso singer-actress.

“Opo, e, kasi ang laki ng ano, e… ang layo na ng narating ng first album ko.

“So, ayun, talaga ngang kailangang pagbutihin pa.”

INSPIRATION. paano niya nagagawang mag-compose ng love song gayong hindi pa naman siya nagkaka-boyfriend?

“I don’t know!” nangiting sabi ni Julie Anne.

“Hindi ko rin alam, e, kung saan nanggagaling yun.

“Basta parang… it’s more of an inspiration talaga, parang inspiration when it comes to music.

“Kumbaga, ganoon ako ka-driven sa music.”

Kaya naman ang kanyang mga tagasubaybay ay laging nakaantabay kung kailan naman siya magkakaroon ng lovelife.

Open na ba siya magpaligaw at magkaroon ng boyfriend?

“Naku, matagal-tagal pa ‘yan!” tawa niya.

“Ano… ewan ko. Hindi ko rin naman masasabi.

“Pero sa ngayon talaga, priority ko muna ang pag-aaral ko at saka yung work.”

CHRISTMAS WISH. Palapit na ang araw ng Kapaskuhan, ano ang Christmas wish ni Julie Anne?

Sabi niya, “Siguro, wala na akong hihilinging material na bagay.

"Ang importante ay magkakasama kami ng pamilya ko.

“And peace siguro, para masaya ang buhay!

"At saka… more success sa lahat ng bagay!”

Ano naman ang plano niya ngayong holiday season?

“I’ll spend Christmas sa bahay lang with my family and friends, yung usual na family gathering.

“And siguro… kasi magse-celebrate kami ng countdown sa MOA [Mall of Asia], kasi kasama ako sa countdown, e.”

Ang tinutukoy ni Julie Anne ang annual New Year countdown ng GMA Network.

“So, probably, doon kami magnu-New Year.”

CHRISTMAS GIFTS. Nakapamili na ba siya ng mga regalo ngayong Pasko?

“Wala pa, hindi pa ako nakakapamili ng mga regalo!” tawa niya.

“Siguro po kung magbibigay ako ng mga gifts, doon po sa mga nangangailangan.

"Isa po iyon sa mga gusto kong gawin, na makatulong po sa kapwa, especially sa mga nasalanta.

“Instead of spending money para sa pansarili lang natin, di ba, why not share it with others?”

photo © adrian bigno

article  © to pep.ph

Kiss Me (JuliElmo Fan Fiction - One Shot)

"I’m having second thoughts of accepting the project they’re offering us."

"Mom, I’m willing to play the role. I want to." Ang totoo ay miss na ni Elmo na makasama si Julie.

"Aren’t you tired of doing the same thing? Baka iniisip na nila, you’re just using Julie para umangat ka."

"Ma, I’m not like the others. You know me."

"There will still be a lot of issues."

"But mom, I don’t care about the issues. Saka I really miss her."

"Moe, it’s final! You won’t be a part of it." Hindi pumayag ang mommy ni Elmo na siya ang maging leading man ni Julie sa bagong Primetime show.

"Ma!" Hinabol ni Elmo ang mommy nya.

"Why do you still want to be her leading man!? Hindi ba’t siya na ang umayaw sa’yo? How about the feelings of Lo?" Napayuko si Elmo sa mga tanong na ito.

FLASHBACK
*GMA Trade Launch

Sabay-sabay pumunta sa event ang mga Magalona kasama si Lauren.

Si Julie naman ay hindi na mapakali sa kinauupuan nya dahil ito ang unang beses na makikita nya sa personal na magkasama sina Elmo at Lauren (kalilipat lang sa GMA network).

Nang makita ni Elmo si Julie ay biglang humiwalay ito kay Lauren. Nalilito siya. Ayaw nyang masaktan si Julie dahil ito naman talaga ang mahal nya. Hindi lang talaga nya mahiwalayan si Lauren dahil na rin sa mga kapatid nya.

Naiiyak na si Julie nang biglang nag-vibrate ang phone nya.

"I’m confused. Please don’t be mad at me." Text ni Elmo.

Humigpit ang hawak nya sa cellphone at biglang tumayo.

Nagulat si Ms. Rose kaya… “Julie, where are you going?”

"Tita, I’ll just go to the comfort room."
“Are you okay?”

"Opo." Pilit na ngumiti si Julie.

PRESENT
Confused si Elmo sa nararamdaman nya, DATI. Ngayon, kahit alam ni Elmo na hindi na siya confused sa feelings nya para kay Lo at Julie, hindi na siya nakapagsalita dahil alam naman niyang kapag nakapag-desisyon ang mommy nya, hindi na ito magbabago pa.

Lingid sa kaalaman ng mag-ina na narinig ni Julie ang napag-usapan nila. Agad siyang tumakbo nang hindi nakasagot si Elmo. Napansin siya ng binata at hinabol ito bago pa siya makalayo.

"Julie, wait! Let’s talk." Nahigit ni Elmo ang braso ni Julie.

"Moe, ano pa bang dapat nating pag-usapan?"

"Julie, I’m sorry."

Napayuko at umiiyak na si Julie. “Moe, I’m so tired of this set-up. Confused ka pa rin ba? I didn’t get mad at you ‘cause you know how much I care about you.”

"Julie, I care about you too. Sobra. Alam mo yan di’ba?"

FLASHBACK
*Sa bahay nila Julie

May sakit si Julie kaya hindi siya nakapag-perform sa Party Pilipinas.

"Anak, kumain ka na para makainom ka ng gamot."

"Mamaya na lang po, Ma. Nahihilo pa po ako."

"O sige mag pahinga ka muna anak."

"Thanks Ma."

*May nag-doorbell

"May bisita ata tayo, gabi na ah. Titignan ko lang kung sino."

"Sige po."

Lumabas ng kwarto ang mama ni Julie. Bumaba siya at pinagbuksan nya ang bisita sa di inaasahang oras.

"Oh Elmo! Napadalaw ka, gabi na."

"Good evening po Tita. Si Julie po, kumusta?"

"Nasa kwarto nya. Hindi pa nga kumakain at umiinom ng gamot dahil nahihilo daw. Pasok ka."

"Pwede po bang ako na lang mag-alaga sa kanya? May dala po akong food. Ipinagluto ko po siya."

"Ah sige salamat. Nag-abala ka pa. Akyat ka na lang. Tawagin mo na lang ako ‘pag may kailangan ka."

"Sige po. Thanks Tita."

Umakyat na si Elmo at pumasok sa kwarto ni Julie. Nakapikit ang dalaga kaya hindi nya nakita kung sino ang pumasok.

"Hi baby." Sabay halik sa noo ni Julie at ikinagulat naman ng dalaga.

"Moe! Anong ginagawa mo dito?"

"Ako mag-aalaga sa’yo." Sabay ngiti. "May dala akong food. Kain ka na, susubuan kita."

"Thanks Moe."

Sinubuan ni Elmo si Julie at pinainom na ng gamot.

"Moe, di ka pa ba uuwi? Paano ka? Saan ka matutulog? Gabi na. Nagpaalam ka ba kina Tita?"

"Nagpaalam ako sa bahay. Don’t worry about me. Kantahan kita para makatulog ka na."

Hinawakan ni Elmo ang isang kamay ni Julie gamit ang kaliwang kamay nya habang ang kanan naman ay hinahaplos ang buhok ng dalaga. Nagsimulang kumanta si Elmo saka pumikit si Julie.

Settle down with me
Cover me up
Cuddle me in

Lie down with me
And hold me in your arms
And your heart’s against my chest, your lips pressed to my neck

I’m falling for your eyes, but they don’t know me yet
And with a feeling I’ll forget, I’m in love now

Kiss me like you wanna be loved
You wanna be loved
You wanna be loved
This feels like falling in love
Falling in love
We’re falling in love

Nagmulat ng mata si Julie nang tumigil si Elmo.

"Oh I thought you were sleeping."

Ngumiti si Julie at umiling. “Parang nakalimutan kong may sakit ako. I missed you.”

"I missed you too. I am missing you and I am loving you. Present progressive yan." Napangiti ang dalawa.

"Nahihilo ka pa ba?"

"Hindi na masyado. Thanks Moe."

"No worries, baby. Pahinga ka na." Hinalikan ulit ni Elmo ang noo ni Julie.

PRESENT
“But why Moe? Bakit hindi ka nakasagot sa mga tanong ni Tita? Hindi mo rin masagot yung tanong ko kung confused ka pa rin ba.”

"Julie, nahanap ko na yung sarili ko. Hindi na ako nalilito. I already know the answers pero hindi ako nagsalita dahil hindi ko pa rin naman maipipilit kay Mom na ako na lang sana ang leading man mo for your new project. At sigurado na talaga akong ikaw lang ang mahal ko."

"Pero paano nga si Lo?"

"Julie, alam mo naman yung mga kapatid ko."

"Moe, ipaglaban mo naman tayo kahit ngayon lang, kung talagang ako ang mahal mo. Lagi na lang ba tayong ganito? Nakakapagod na rin. It takes both sides to make something work."

Julie left Elmo with tears running down her face. Pero bago pa man siya tuluyang makaalis ay niyakap siya ni Elmo.

"Baby, I’m sorry. Ipaglalaban ko na tayo. Hindi na ako magpapaapekto sa sasabihin nila Maxx." Umiiyak na rin si Elmo.

"Wag mong sabihin Moe, gawin mo."

"Julie, don’t leave me. Hindi ko kakayanin. Ngayon pang sigurado na ako sa lahat. Give me time to fix all of these." Tumigil na sa pag-iyak si Julie pero hindi siya nakaimik sa sinabi ng binata.

"Baby, magsalita ka naman."

"Okay. Bitawan mo na ako. Uuwi na ako. Gusto ko na magpahinga."

Hindi pa binitawan ni Elmo si Julie. Lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa dalaga. “Pwede bang ganito muna tayo? I really missed you.” Lihim na napangiti si Julie.

Hinayaan na lang ng dalaga na yakapin siya ng binata. “Alam mo ba, kahit naman hindi pumayag si Mom na ako ang maging leading man mo for your new project, ako naman ang leading man ng buhay mo.”

Biglang umikot si Julie para mapaharap kay Elmo. Nakangiti ang binata at pataas taas pa ang mga kilay. Napangiti na rin si Julie at niyakap si Elmo.

"I missed you Moe. I’m sorry."

"Don’t be sorry. I missed you too, Julie. I love you baby. I am missing you and I am loving you." Bumitaw sa pagkakayap si Elmo. Unti-unting nilapit ni Elmo ang mukha nya sa mukha ng dalaga at binigyan ito ng matamis na halik sa labi.

END.

Author’s Note:
Patawad po if I didn’t meet your expectations. This is my first ever fan fiction na one-shot lang. I just tried to make one, and this is the outcome. Salamat sa pagbabasa. :)

To Tumblr, Love Pixel Union